Philippine Information Agency NCR

NCRPO handa na para sa Semana Santa

QUEZON CITY, Abril 10 (PIA) -- Nakahanda na ang puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa darating na Semana Santa ngayong taon. 
Ayon kay NCRPO chief Police Major General Guillermo Eleazar, mahigit 11,000 mga pulis ang ipakakalat upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. 
Kabilang sa mga babantayan ng mga pulis ay mga bus terminals at iba pang transportation hubs, kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero pauwi sa kanilang mga probinsya.
Dinagdag pa ni Eleazar na naka-full alert ang NCRPO kung saan inaasahan ang maximize deployment ng puwersa ng Metro Manila police. (PNP/NCRPO)

Post a Comment

0 Comments