LUNGSOD CALOOCAN, Hunyo 22 (PIA) -- Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa publiko na makilahok sa kanilang isinasagawang COVID-19 mobile phone survey.
Ayon sa DOH, ang naturang survey ay upang patuloy na mapaunlad ng ahensya ang mga polisiya sa pagtugon sa pandemya.
Madali ang pagsagot gamit ang inyong mobile phone:
1) via SMS o text (ito ay libre sa lahat ng subscribers); o
2) via mobile web (para sa lahat ng subscribers na gustong sumagot via mobile web, maaaring kumonekta sa inyong wifi para hindi mabawasan ng load).
Maaaring lumahok sa survey ang may edad 18 pataas. Maaari ring sagutin ang survey sa wikang Filipino o English.
Ang survey na ito ay tungkol sa posibleng pagkahawa at pagkakasakit dahil sa COVID-19, testing at mga sagabal sa testing para sa COVID-19, mga hakbang para maiwasan ang COVID-19, at mga pagbabago sa ugali o kagawian tungkol sa peligro ng mga di-nakakahawang mga sakit sa panahon ng pandemya.
Ayon sa DOH, ang lahat ng impormasyong makakalap sa survey na ito ay confidential. (PIA NCR)

0 Comments