Philippine Information Agency NCR

Manggagawa ng pamilihan, binakunahan sa Maynila


ni: SUSAN G. DE LEON

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila nitong Linggo ng gabi ang 'special' na bakunahan sa Recto para sa mga manggagawa ng mga pampublikong pamilihan.

"Itong special vaccination na ito, ginawa po namin ito sa Recto para sa mga trabahador na hindi makapunta sa vaccination site tuwing araw dahil kailangan maghanap buhay," sinabi ni Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso sa PIA-NCR. 

Ani Mayor Isko, kabilang sa mga nabakunahan ang mga kargador, driver, pahinante, pedicab driver, kuliglig driver, vendor ng isda, gulay, karne, hindi lang sa Metro Manila, kundi pati na rin mula sa Northern Luzon, Central Luzon at Southern Luzon.

"Sinama natin dito ang mga kargador, driver, pahinante, pedicab driver, kuliglig driver, vendor ng isda, gulay, karne, mga nagbababa ng produkto, hindi lang sa Kamaynilaan pati na rin mula sa Northern Luzon, Central Luzon at Southern Luzon."

Ang bakunahan ay magtatagal mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. (PIO/PIA-NCR)

Post a Comment

0 Comments