Philippine Information Agency NCR

Caloocan nagbukas ng karagdagang bakunahan para sa mga estudyante, faculty ng UCC


ni SUSAN G. DE LEON 

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) --  Binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang University of Caloocan City Edsa campus at Caloocan City North Medical Center (CCNMC) para sa mga estudyante at faculty members ng University of Caloocan City (UCC) na nais magpabakuna kontra COVID-19. 

Ayon kay Mayor Oca Malapitan sa isang Facebook post, nasa 500 slots ang inilaan sa UCC-Edsa campus para sa mga mag-aaral at faculty members sa South Caloocan.

Gayudin, nasa 300 slots naman sa CCNMC para sa Camarin at Congress campus sa North Caloocan. 


Layunin ng pagbabakuna na matiyak na lahat ng mga kawani, guro at mga mag-aaral ng unibersidad na may edad 18 taong-gulang pataas ay mabigyan na ng proteksyon laban sa mapanganib na virus.

Bahagi rin ito ng massive vaccine rollout ng lungsod upang makamit ang herd immunity ng populasyon.  

Ayon pa kay Mayor Oca, ito ay bahagi na rin ng paghahanda kung dumating na ang panahon na payagan na ang face-to-face classes sa kolehiyo. (PIA-NCR)

Post a Comment

0 Comments