Philippine Information Agency NCR

Libreng sakay para sa medical frontliners, essential workers, APOR, umarangkada nang muli


 Ni SUSAN G. DE LEON

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) --Muling umarangkada ngayon Lunes ang Libreng Sakay ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga medical frontliners, essential workers at APOR sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Ang programa ay isinulong ni Transportation Secretary Art Tugade upang makapagbigay ng tulong sa mga tsuper, operator at mga pasahero, na naapektuhan ng pandemya.

“Layunin ng Service Contracting Program na makapagbigay ng dagdag kita sa mga drayber at operator sa gitna ng pandemya. Nais rin naming makatulong sa ating mga commuter sa pamamagitan ng pagbibigay ng Libreng  Sakay, gayundin ng maayos, mabilis, at ligtas na pampublikong transportasyon,” pahayag ni Tugade.

Narito ang listahan ng mga rutang nagsimula nang maghatid ng Libreng Sakay sa mga pasahero ngayong araw sa Metro Manila:

1) Alabang - Zapote

2) Baclaran - NAIA Baltao

3) Buendia - PITX

4) Cubao (Diamond) – Roces (PANTRANCO)

5) Cubao Rosario – Sta. Lucia

6) EDSA Busway

7) Gasak – Divisoria

 Gasak – Recto

9) Lagro – QMC

10) Munoz – Quiapo

11) Nichols - MOA

12) Nichols – Vito Cruz

13) Novaliches – Malinta via Paso De Blas & Vice Versa

14) Parang Marikina – Cubao

15) Pasig Palengke to Bagumbayan via San Joaquin

16) QMC Loop

17) Quezon Avenue – 5th Avenue LRT

Para naman sa kaligtasan ng mga pasahero, mahigpit pa ring ipinatutupad ang mga sumusunod na health and safety protocols sa lahat ng mga pampublikong transportasyon:

1) Laging magsuot ng face mask at face shield;

2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;

3) Bawal kumain;

4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transportasyon;

5) Laging magsagawa ng disinfection;

6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at

7) Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing.

Inaasahang sisimulan na ring maipatupad ang Libreng Sakay sa iba pang mga rehiyon sa bansa sa mga susunod na araw.

Regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon na ilalabas, patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw. Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342. (DOTr/PIA-NCR)

Post a Comment

0 Comments