Philippine Information Agency NCR

Libreng sakay sa LRT-2 para sa mga bakunadong APORs, extended


ni: JIMMYLEY E. GUZMAN

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Extended ang pagbibigay ng libreng sakay sa LRT-2 para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APORs).
 
Ayon sa LRT-2, ang libreng sakay ay bunsod ng pagpapalawig nang pagpapatuapd ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila hanggang sa Setyembre 15, 2021.
 
Ang libreng sakay ay ipapatupad sa mga sumusunod na oras:
 
          5:00am - 7:00am
          9:00am - 5:00pm
          7:00pm - 9:00pm
 
Paalala sa mga mananakay na dalhin ang vaccination card at ipakita ito kasama ang valid ID para sa libreng sakay.
 
Paalala rin sa mga pasahero na mahigpit na ipinatutupad ang minimum health protocols sa loob ng mga istasyon at tren. (LRT-2/PIA-NCR)

Post a Comment

0 Comments