Philippine Information Agency NCR

Pasig City, bubuksan na ang prangkisa para sa mga tricycle


ni: JIMMYLEY E. GUZMAN

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na bubuksan na ang prangkisa para sa mga tricycle sa lungsod kasabay ng paglagda sa city Executive Order 70, S. 2021.
 
“Yung prangkisa natin sa mga tricycle, (tricycle franchise natin), ay bubuksan na after 12 years,” ayon kay Mayor Vico sa kaniyang Facebook live kamakailan.
 
Ayon kay Sotto, nararapat lamang na gawin nang legal ang pagbiyahe ng mga tricycle sa lungsod.
 
“Noong nakaraang 12 years, marami pong na-revoke, maraming colorum… bumibiyahe ng iligal ang marami sa mga tricycle sa Pasig. Libo ito. Una, hindi sila nagbabayad. Lugi yung mga lehitimo at prangkisado na mga tricycle,” aniya.
 
“Nasa 1,800 tricycle po pala ito. Existing lahat, walang bago. Tapos 420pesos lang ang babayaran nila (yung totoong presyo) di kagaya dati umaabot minsan ng 200,000. May iba rin nabentahan ng peke/invalid franchise. Kawawa ang mga maliliit pinagkakitaan sila nun ng ibang opisyales,” dagdag ni Sotto.
 
Ibinahagi rin ng punong lungsod ang kawalang proteksyon sa batas ng mga mananakay sa mga hindi prangkisadong tricycle.
 
“Delikado din ito para sa mga mananakay dahil wala silang proteksyon.”  
 
Nagpasalamat din si Mayor Sotto sa Pasig City Tricycle Operation and Regulatory Office (TORO) na nakipag-ugnayan sa 89 na Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) ng lungsod. (Pasig City/PIA-NCR) 

Post a Comment

0 Comments