Philippine Information Agency NCR

Registration para sa mga bata sa Pateros, binuksan na


ni: JIMMYLEY E. GUZMAN

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Binuksan na ng Pamalahaang Bayan ng Pateros ang registration para sa pagbabakuna kontra COVID-19 ng mga batang nakatira sa Pateros na may edad 12 hanggang 17.

Para makapag rehistro, bisitahin lamang ang opisyal na Facebook page ng pamahalaang bayan https://www.facebook.com/isangPateros at i-scan ang QR code.

Kamakailan ay inanunsyo ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III ang pagahahanda ng munisipyo para sa pagbabakuna ng mga menor de edad.

Paalala rin ni Mayor Ponce na hintayin lamang ang abiso mula sa pamahalaang bayan matapos magparehistro.

Samantala, ang Pamahalaang Bayan ng Pateros nag umpisa na rin nang pagbabakuna ng mga taga ibang lugar sa ilalim ng “We Vax as One” program. (IsangPateros/PIA-NCR)

Post a Comment

0 Comments