Philippine Information Agency NCR

Mag-file ng SOCE,paalala ng COMELEC sa mga kumandidato sa BSKE 2023

 


by: Jimmyley E. Guzman 

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Isang linggo matapos ang eleksyon, paalala ng Commission on Elections (COMELEC) sa mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), nanalo man o natalo, ay dapat personal na magpasa ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE), at iba pang angkop na dokumento sa Office of the Election Officer (OEO) kung saan naghain ng kandidatura.

Ayon sa COMELEC, ang huling araw ng pag-file ng SOCE ay sa November 29, 2023 (Miyerkules).


Para sa SOCE forms, bisitahin ang https://comelec.gov.ph/?r=CampaignFinance/SOCEBSKE2023.

Para naman sa iba pang katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa Opisina ng Election Officer sa inyong lugar o mag e-mail sa pfad@comelec.gov.ph. (COMELEC/PIA-NCR)

Post a Comment

0 Comments