LUNGSOD MARIKINA, 8 Abril (PIA)--Magsasagawa ng Summer Art Workshop ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina upang mahikayat ang mga kabataan sa lungsod na linangin ang potensiyal sa sining sa gitna ng lumalaking impluwensiya ng teknolohiya.
Pangungunahan ng Marikina City Tourism, Culture and the Arts Office (MCTAO), ang workshop na gaganapin sa April 10 hanggang Mayo 15 sa Teatro Marikina.
Inaasahang pupukaw ng atensyon at hahasa sa talento at pagkamalikhain ng mga kabataang lalahok sa iba’t ibang uri ng kasanayan sa sining ang gaganaping 2015 Summer Art Workshop.
Ang bawat kurso ay binubuo ng 12 sesyon mula Lunes hanggang Sabado maliban sa legal holidays, at tatagal ng tatlong oras kada session
Maaaring magpatala sa alinman sa mga sumusunod na kurso: pagtugtog ng gitara, piano, tambol (drums), violin, pagsayaw ng modern dance, hiphop/jazz voice lesson, ballet 1 at 2, arts and craft, pagguhit (drawing), art photography, digital art, teen theater, at pagpipinta (painting).
“Batid nating kasabay ng nagbabagong panahon ang teknolohiya, ngunit sa mga workshop na ito, hindi lamang kasanayan ang ating naibabahagi sa mga kabataan. Maging ang pakikisama, pakikipagkaibigan, pagkikihalubilo sa kapwa at disiplina ay kanila ring matututunan,” pahayag ni Marikina Mayor del de Guzman.
Bukas ang workshop sa lahat ng residente ng lungsod at maging sa mga karatig lugar Para sa iba pang impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan sa Marikina City Tourism, Culture and the Arts Office sa numero bilang (02) 646-2915. (PIO Marikina/RJB/SDL/PIA-NCR)
See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/231428398171/kabataan-inaanyayahan-lumahok-sa-2015-summer-art-workshop-sa-marikina#sthash.3Xuo2UWE.dpuf
0 Comments