LUNGSOD MARIKINA, 8 Mayo (PIA)--Inaanyayahan ang publiko na dumalo sa isasagawang advocacy rally upang higit na maintindihan ang kahalagahan ng ipatutupad na K-12 Program ng Department of Education (DepEd).
Ang aktibidad ay pangungunahan ng DepEd-Marikina katuwang ang lokal na pamahalaan sa Mayo 11, 5:00 ng hapon sa Marikina Sports Center.
Magsisimula ang okasyon sa pamamagitan ng isang sabayang motorcade mula sa Agora Complex sa Gil Fernando Ave. sa ganap na 3:00 ng hapon at foot parade mula sa Marikina River Park sa ganap na 4:00 ng hapon.
Layunin ng programa na makapagbigay ng mas malalim na pang-unawa sa nasabing programa at maipabatid ang kahalagahan nito sa mga mag-aaral. Nais ding ipabatid ng naturang kampanya sa publiko na handa ang lungsod para sa naturang programa.
“Inaanyayahan natin ang lahat lalo na ang mga magulang na pumunta at makinig sa mga tatalakayin puntos sa aktibidad na ito. Mahalaga na bilang mga magulang ay malaman natin ang kahalagahan ng K-12 Program ng pamahalaang nasyonal,” wika ni Marikina Mayor Del De Guzman.
Lalahukan ng mga guro at mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya at sekodarya, business sector, at opisyal ng mga barangay ang gaganaping advocacy. (MARIKINA PIO/RJB/SDL/PIA-NCR)
See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/231431052969/k-12-advocacy-rally-gaganapin-sa-marikina#sthash.7Fm3efY0.dpuf
0 Comments