Philippine Information Agency NCR

International Conference sa Conditional Cash Transfer layuning pagbutihin ang programa

LUNGSOD QUEZON, 13 Enero, (PIA) - - Sa paghahangad na lalong mapaganda ang programang Conditional Cash Transfer (CCT) o Pantawid Pamilyang Pilipino, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay magsasagawa ng dalawang araw na CCT International Conference na magsisimula ngayong araw hanggang bukas (Enero 12-13, 2016).

May temang “Sustaining the Gains of the Conditional Cash Transfer Program in the Philippines,” ang kumperensiyaa y isinasagawa sa Asian Development Bank (DBP) headquarters sa Mandaluyong City.

Sinabi ni DSWD Secretary Corazon Juliano-Soliman na kanilang pinangungunahan ang pagsagawa ng international conference tungkol sa programa upang talakayin ang mga kapakinabangang natamo dito at ang mga nararapat gawin upang lalong mapaganda ang naturang programa.

“Layunin ng kumperensiya na suriin ang mga katangian ng conditional cash transfer ng Pilipinas, pag-usapan ang mga naging problema at mga dapat gawin upang lalong mapabuti ito,” paliwanag ni Soliman.

Ang CCT conference ay lalahukan ng mga international CCT practitioners at implementers. Kasama ring makikipagtalakayan ang mga benepisyaryo ng Pantawid.

Ang president ng ADB na si Takehiko Nakao ay magbibigay ng mensahe ng pagtataguyod sa programang CCT.

Kasama naman sa mga panauhing pandangal sina ADB Country Director Richard Bolt, Australian Embassy Deputy Head of Mission Dr. David Dutton, at dating National Coordinator ng Oportunidades ng Mexico na si Rogelio Gomez Hermosillo.

Samantala, mga kilalang practitioners at academicians sa pangunguna ni United Nations World Food Programme Country Director Praveen Agrawal, International CCT Consultant Tarcisio Castañeda, Ateneo de Manila University Professor Fernando Aldaba, at Stanford University Senior Research Scholar Joseph Felter, ang mga magsasalita.

Kasama naman sa panelist sina Mr. Hermosillo, Australian Department of Foreign Affairs at Trade Assistant Secretary Alison Chartres, World Bank Lead Economist at Program Leader Aleksandra Posarac, Professor Randolf David, at ADB Senior Social Protection Specialist Karin Schelzig.

Tatalakayin din sa nasabing kumperensiya ang implementasyon ng programang CCT sa ibang bansa at kung ano ang naging ambag nito sa ekonomiya, sa pamamalakad sa pamahalaan at sa programang disaster risk reduction.

Ang kaunaunahang CCT international conference ay magkasamang popondohan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng, Australian Government Department of Foreign Affairs and Trade (DFAT), at ng ADB.

Ang Pantawid Pamilya ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong iaangat ang mga lubhang naghihirap sa kanilang kinasasadlakan sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash incentive kapalit ng mga kondisyon. Kasama sa mga kondisyong dapat tuparin ng 85% hanggang 100%  ang pagpapabuti ng kanilang kalusugan, edukasyon ng mga bata at  pagdadalo sa mga Family Development Session na nagbibigay ng mga kaalaman para sa maayos at tiwasay na pagpapamilya.

Sa pitong taong implementasyon ng programa, marami nang naidagdag para sa lalong ikagaganda ng programa tulad ng ekstensiyon ng “age coverage” mula 14 taon hangang 18 sa mga batang benipisyaryo.  Ito ay upang makapagtapos sila ng high school at magkaroon ng mas magandang oportunidad sa buhay. Isinali na rin sa programa ang mga taong lansangan at ang mga naninirahan sa mga malalayo at ilang na lugar. (DSWD/RJB/LFB/PIA-NCR)

Post a Comment

1 Comments

  1. Are you in need of a loan? Do you want to pay off your bills? Do you want to be financially stable? All you have to do is to contact us for more information on how to get started and get the loan you desire. This offer is open to all that will be able to repay back in due time. Note-that repayment time frame is negotiable and at interest rate of 3% just email us (creditloan11@gmail.com)

    ReplyDelete