Philippine Information Agency NCR

NCRPO handa na para sa Miss Universe

LUNGSOD QUEZON, Enero (PIA) – Nakahanda na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa pinaka-aabangangang Miss Universe sa Lunes, Enero 30, 2017.   

Tiniyak ni NCRPO chief Albayalde ang seguridad sa lugar kung saan mahigit 1,000 pulis at snipers ang ipapakalat sa loob at labas ng Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City.   

Kasama rin ang K-9 unit ng NCRPO na magpa-patrolya sa paligid ng MOA at maglalagay rin ng mga x-ray machines sa mga gates ng naturang lugar.   Simula pa noong Disyembre ay isinailalim na ang NCRPO sa full alert status para sa prestihiyosong beauty pageant. (PNP/RJB/JEG/PIA-NCR) 

Post a Comment

0 Comments