Philippine Information Agency NCR

Tagalog news: ASEAN tutulungan palaguin ang mga MSMEs

LUNGSOD PARAƑAQUE, Nob. 14 (PIA) -- Matutulungan ang mga maliliit na negosyo o Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa rehiyon sa pamamagitan ng itinatag na ASEAN Mentorship for Entrepreneurs Network (AMEN) na inilunsad noong Linggo (12 Nobyembre 2017) sa Solaire Resort & Casino, lungsod ng ParaƱaque.
Bago ang paglulunsad ay maagang nagpulong ang mga magtuturo o mentors na galing sa malalaking kumpanya sa iba’t ibang lugar ng rehiyon ng Southeast Asia upang makapagtakda ng isang sistema para sa pagbuo ng “mentors pool” na inaasahang magiging isang mentor’s academy.
Samantala, sa press briefing na isinagawa, sinabi ni Ginoong Joey Concepcion, ASEAN Business Advisory Council (ASEAN BAC) chairman, na siya ring nagpanimula ng AMEN at “Go Negosyo” at Presidential Adviser on Entrepreneurship, na piling pili at mahuhusay na Mentor ang magbabahagi ng kanilang mga kaalaman sa pagnenegosyo sa mga maliliit na negosyante.
Nagbigay kaseguruhan si Concepcion na ang mga Mentor ay nakatuon na magbahagi ng kanilang kaalaman mula sa malawak nilang karanasan.
Sa kaniya namang talumpati sa paglulunsad ng AMEN, kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kahalagahan ng MSMEs na bumubuo ng 80 porsiyento ng mga negosyo sa buong mundo.
Nangako siyang bibigyan ng suporta ang mga ito. Aniya, “Sa susunod na taon, bubuhusan ko ng pera ang MSMEs kasi, nakita namin na ang pangunahing yunit ng ekonomiya ay mabilis na napapagalaw ng mga MSMEs.”
Sinabi rin niya na malaking bahagi ng nakolektang buwis mula sa isang kumpanya na hindi nagbabayad ng buwis ng ilang taon ay mapupunta sa mahihirap at sa mga MSMEs.
Ang AMEN ay isang platapormang public-private partnership para sa 10 ASEAN Member States (AMS) na may layuning aktibong tulungang umunlad ang maliliit na negosyo sa rehiyon sa pamamagitan ng “mentoring” gamit ang mga “world class teaching modyuls”. Ang Mentorship ay isang paraan ng pagtuturo sa pamamagitan ng intensibong paggabay sa mga lugar na interesante para sa mentor at sa tuturuan.
Layunin ng AMEN na itaguyod ang mga “best practices” at palawalakin ang mga kakayanan tungo sa “inclusive growth” ng AMS. Kasama rin sa layunin ang maihanda ang mga MSMEs harapin ang mga lumalaking hamon sa mundo ng pagnenegosyo at palakihin ang kanilang operasyon sa pagdagdag ng kanilang produksiyon sa pamamagitan ng training modyuls na nakapaloob sa programa ng mentorship.
Inaasahan na sa taong 2019 ay maitatatag na nang mahusay ng AMEN ang isang ASEAN Mentors Academy na may maayos na sistema ng mentoring at may sistematikong modyuls na gagamitin. (RJB/LFB/PIA-NCR)

Post a Comment

0 Comments