MANILA, Enero 5 (PIA) -- Ipatutupad ng Philippine Coast Guard ang “No Sail Zone” sa bahagi ng Pasig River na dadaanan ng prusisyon ng Itim na Nazareno.
Ito’y bahagi ng seguridad na inilatag upang matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na ang mga makikibahagi sa Traslacion.
Ayon kay Captain Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard, ipagbabawal ang paglalayag sa Pasig River, bandang Jones Bridge at Quezon Bridge sa Maynila sa Martes, 09 Enero 2018.
Sinabi ni Balilo na gagamitin ng coast guard ang kanilang floating assets. Ide-deploy din ng PCG ang kanilang K9 unit sa paligid ng Quirino Grandstand kung saan gaganapin ang tradisyunal na ‘Pahalik’ sa imahe ng Itim na Nazareno bago ang prusisyon. (PCG/EPC/JEG/PIA-NCR)
0 Comments