![]() |
| Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa Caloocan City. (RTVM) |
LUNGSOD CALOOCAN, Pebrero 28 (PIA) -- Pinasinayaan kanina lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang bagong kalye ng six-lane na bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) na inaasahang magpapagaan ng kasikipan ng trapiko sa Metro Manila.
Pormal na binuksan ni Duterte ang NLEX Harbour Link Segment 10, isang 5.65-kilometrong elevated highway na nagdurugtong sa mga lungsod ng Valenzuela, Malabon, at Caloocan.
Ang expressway ay naglalayong mapabuti ang accessibility at koneksyon sa pagitan ng mga pangunahing lugar ng Metro Manila at ilang probinsya ng Luzon sa pamamagitan ng NLEX at inaasahang makinabang sa paligid ng 20,000 motorista kada araw, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Halimbawa rito, ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Valenzuela City at Caloocan CIty na kadalasan ay inaabot ng isang oras ay mababawasan nang hanggang limang minuto na lamang sa pamamagitan ng bagong daanan.
"This is heaven," sabi ni Duterte sa kanyang speech sa Caloocan City, upang ilarawan ang kaginhawahang maaaring maidulot ng proyekto sa mga motorista.
Sinabi ng DPWH na ang NLEx Harbour Link ay may potensyal na maisulong ang "transport logistics" ng Luzon dahil ito ay magsisilbing alternatibong ruta ng mga nanggagaling sa timog na bahagi ng Metro Manila na dumadaan sa Balintawak Cloverleaf at sa EDSA.
Mapapadali din nito ang episyenteng paghahatid ng mga kalakal habang ang mga cargo truck ay magkakaroon ng 24/7 na direktang pag-access mula sa lugar ng port sa mga lalawigan sa hilagang Luzon at pabalik sa pamamagitan ng NLEX.
"This will definitely improve access and mobility in the area and result in greater socio-economic gains for our industries and communities. I am hopeful that the remaining portions of the NLEX Harbor Link Project will be completed within the next two years," giit pa ni Duterte.
Pinangunahan din kanina ng Pangulo ang groundbreaking ceremony para sa na pagtatayo ng isang tollroad na mag-uugnay sa NLEX at South Luzon Expressway (SLEX), dalawang buwan bago ang orihinal na petsa ng pagsisimula nito sa Mayo. Dalawang taon aabutin ang proyekto.
"Identification of right-of-way requirement and most of acquisition activities were completed hence the earlier as planned start construction activities for the NLEX-SLEX connector road project," ani DPWH Secretary Mark Villar.
Walong kilometro ang haba ng NLEX-SLEX link, nakataas din ito at may apat na kalsada. Pinahahaba papuntang timog ng naturang expressway ang NLEX mula sa dulo ng Segment 10 sa C-3 Road, Caloocan papuntang Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa sa Maynila at nag-uugnay sa Skyway Stage 3. Nakatayo ang malaking bahagi ng kalsada sa ibabaw ng mga riles ng tren ng Philippine National Railways.
Kasama sa proyekto ang dalawang interchange road sa C-3 Road sa Caloocan at sa España Boulevard sa Maynila.
Kapag nakumpleto na, pahihiksiin nito ang travel time sa pagitan ng NLEX at SLEX nang mula dalawang oras pababa nang 20 minuto at sa pagitan ng Clark, Pampanga at Calamba, Laguna mula sa tatlong oras hanggang isang oras at 40 minuto.
Mapapabuti rin nito ang connectivity sa pagitan ng dalawang paliparan na Ninoy Aquino International Airport at Clark Airport kung saan tinatayang aabot sa 35,000 motorista ang makikinabang kada araw.
Ang Metro Pacific Investments Corp. ang nakakuha ng kontrata na nagkakahalagang P23.3-bilyong para sa naturang connector road project.
"Nobody can claim credit in the name of the people, it is their money and for all of us," ani Duterte.
"All of the projects that we undertake and will do for the rest of my term, [we] give our gratitude to the builders, to the contractors, the partners of government and we place it in the name of the people of the Republic of the Philippines," dagdag pa ng Pangulo. (PIA InfoComm)

0 Comments