
VALENZUELA CITY, March 14 (PIA) – May reklamo ka? Magandang balita para sa mga residente ng Valenzuela City dahil 24/7 na ang Task Force Disiplina hotline.
Maaari nang isumbong ang paglabag sa mga ordinansa na ipinapatupad sa lungsod ng Valenzuela. Ang maingay na videoke ay labag sa Ordinance No. 102, s. 2013. Ang illegal parking ay paglabag din sa City Ordinance No. 293, s. 2016 o Transportation Ordinance.
Mahigpit ding ipinagbabawal ng pamahalaang lungsod ang illegal gambling na naglalabag naman sa City Executive Order No. 16, s. 2015. Maging ang pagkakalat ng basura sa lungsod ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang pagkakalat ng basura ay direktang paglabag sa Solid Waste Management Ordinance ng lungsod na nasasaad sa City Ordinance No. 47, s. 2009.
Gayundin, pinapaalalahanan ang mga pet owners na maging responsable dahil ipinapatupad din sa lungsod ang Anti-Rabies Ordinance (Ordinance No. 131, s. 2014).
Ang mga nasabing reklamo at iba pang paglabag sa ordinansa ng lungsod ay maaaring itawag sa telepono bilang 352-8000. (PIA InfoComm)
0 Comments