
MARIKINA CITY, Hulyo 16 (PIA) – Para sa kapakanan ng mga mag-aaral, pinaigting ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang programa kontra bulakbol.
Ang Anti-Student Cutting Classes o Oplan: Huli Bulakbol ng Marikina City ay naghihikayat sa mga estudyante na mag-aral ng husto lalo na sa oras ng klase.
Ipinagbabawal sa oras ng klase ang mga sumusunod: mga tambay sa computer shops at nag o-online games; nagbi-bilyar at mga nagpapalipas ng oras sa mga tambayan; at mga pagala-gala sa mga malls.
Paalala rin ng pamahalaang lungsod sa mga estudyante ang tamang oras sa pag-aaral.
Samantala, hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang publiko na suportahan ang kanilang programa at itawag sa 161 o mag mensahe sa kanilang Facebook Page kung sakaling may makikitang estudyante na nagbu-bulakbol. (PIA InfoComm)
0 Comments