Philippine Information Agency NCR

Libreng sakay sa MRT-3 sa Araw ng Kalayaan


ni: JIMMYLEY E. GUZMAN

LUNGSOD PASIG, Hunyo 11 (PIA) -- Sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng proklamasyon ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas, handog ng Department of Transportation (DOTr) MRT-3 ang libreng sakay sa darating na Hunyo 12, 2021 (Sabado).

Libreng makasasakay ang mga pasaherong bibiyahe mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Paalala rin ng MRT-3 sa mga pasahero na mahigpit na ipinatutupad sa loob ng mga tren ang "7 Commandments” kontra COVID-19 kabilang ang wastong pagsusuot ng facemask at faceshield, pagbabawal sa pagsasalita, pag-inom at pagkain, at pagpapairal ng tamang social distancing protocol sa mga pasahero.

Bukod sa COVID-19 health and safety protocols, bawal na bawal din sa mga istasyon ang pagbaba at pagtawid sa mga riles ng hindi mga awtorisadong indibidwal. 

Hindi rin dapat lumagpas sa mga itinakdang yellow marks sa sahig ng platforms ang mga pasaherong naghihintay ng tren. (PIA NCR) 

Post a Comment

0 Comments