Philippine Information Agency NCR

Mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Marikina, bumaba


ni: JIMMYLEY E. GUZMAN

LUNGSOD QUEZON, Hunyo 10 (PIA) -- Bumaba ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod Marikina.

Batay sa talaan ng pamahalaang lungsod, nasa 76 na lamang ang aktibong kaso sa lungsod nitong Hunyo 8, mula sa 101 na kasong naitala noong Hunyo 1.

Samantala, paalala naman ng pamahalaang lungsod na maging maingat upang makaiwas sa COVID-19 at palagiang sumunod sa minimum health protocols upang patuloy na bumaba ang kaso ng COVID-19.

Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa Marikina City Rescue 161: 161; 0928-5593341 (Smart); 0917-5842168 (Globe); Marikina City Health Office: 0945-5176926 (Globe); o sa Department of Health: 0908-7628858 (Smart); 0916-7313113 (Globe), 02-89426843, o sa 02-85310031 local 111. (PIA NCR)

Post a Comment

0 Comments