LUNGSOD PASIG, Hunyo 23 (PIA) -- Binuksan na sa publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang registration ng bakuna kontra COVID-19 para sa kategoryang A4.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang mga naturang sektor ay kasama sa kategoryang A4 priority list ng Department of Health (DOH).
Ang mga manggagawa sa pribadong sektor na nagtatrabaho sa labas ng kanilang mga tahanan (A4.1); mga empleyado sa mga ahensya ng gobyerno, kabilang ang government-owned or controlled corporations (GOCCs) at mga local government units (LGUs); at ang mga manggagawa sa impormal na sektor, mga self-employed na indibidwal na nagtatrabaho sa labas ng kanilang tahanan at mga nagtatrabaho bilang kasambahay o caregiver.
Bisitahin lamang ang https://proudmakatizen.com/ website at piliin ang Vaccine Registration (COVID-19), at sundin ang step-by-step na proseso.
Para sa mga katanungan, maaaring tumawag sa Bakuna hotlines sa: 8870- 1082, 8870-1443, 8870-1083, 8870-1084, at 8870-1454. (PIA NCR)
0 Comments