![]() |
| QC Government Facebook Page |
ni: SUSAN G. DE LEON
LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Opisyal nang inilunsad ng Quezon
City Government at Globe Telecommunications ang pagpapalawig ng libreng
GoWiFiPH na magagamit ng QCitizens.
Ayon sa pamahalaang lungsod, may 1,000 karagdagang access
points sa lungsod tulad ng mga ospital, barangay hall, palengke, school, malls,
at iba pang pampublikong lugar ang maaari nang magamit ng mga mamamayan.
Sa kabuuan, aabot sa 4,000 ang access points sa Quezon City.
Mayroon na ring KonekTayo WiFi sa ilang housing sites sa QC.
Sa murang halaga na 15Php, mayroon nang 1 GB data access sa internet sa isang
araw. Kasabay nito, inilagay ang mga KonekTayo QC Bus WiFi sa iba-ibang
barangay tulad ng Sta. Lucia, Commonwealth, Sauyo, at Pasong Tamo kung saan
magagamit ng mga guro at estudyante ang libreng internet connection.
Nagpapasalamat si Mayor Joy Belmonte dahil malaking tulong
ito sa mga residente ngayong pandemya lalo na at karamihan ng transaksyon ay
online na. Sa tulong ng Globe Labs SMS API, mas maayos na rin ang electronic
payments para sa ating QC E-services website.
Maaari na ring maaccess ng QCitizens ang QC WiFi gamit ang
kanilang QC e-services account para sa isang oras na libreng access sa
internet.
Bukod dito, namigay rin ang Globe ng 176,000 data SIM cards
para sa mga estudyante, at 17,000 SIM cards naman para sa mga guro. Tiyak na
magagamit ito ngayong patuloy pa rin ang distance learning.
Kasama sa online launch sina Globe President and CEO Mr.
Ernest Cu, Vice Mayor Gian Sotto, City Administrator Mike Alimurung, Education
Affairs Unit Head Aly Medalla, QC Information Technology Development Department
Officer-in-Charge Paul Padilla, Public Affairs and Information Services
Department Head Engelbert Apostol, Globe Director for Business Management and
Development Ms. Janis Racpan, Globe Business Development and Innovations
Manager Mr. Nikki Serquina, at iba pang opisyal mula sa Globe. (QC
PAISD/PIA-NCR)

0 Comments