Philippine Information Agency NCR

Mayor Vico, nagpasalamat sa ayuda team ng lungsod

Mga kuha mula sa Pasig City Government

ni: JIMMYLEY E. GUZMAN

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Nagpaabot ng pasasalamat si Pasig City Mayor Vico Sotto sa "Ayuda Team" ng lungsod sa kanilang dedikasyon sa pamamahagi ng ayuda sa mga taga-lungsod.
 
Natapos ang distribusyon ng ECQ3-Ayuda noong August 27 (2021) -- 681M pesos para sa 217 libong pamilya. Malaking tulong mula sa nasyonal na pamahalaan. Ngunit sa dami ng nangangailangan, hindi talaga kayang bigyan lahat ng cash,” wika ni Mayor Vico.
 
Upang matulungan ang mga pamilyang nangangailangan ng tulong, ang pamahalaang lungsod ay namahagi rin ng 260,000 family food packs mula sa pondo ng lokal na pamahalaan.
 

Kaya minabuti po natin na bumili ng 260,000 FAMILY FOODPACKS gamit ang LGU funds. Para kahit papano, maabutan din ng tulong ang iba pang pamilya na nangangailangan din naman.”
 
Dire-diretso ang ayuda team... pinupuntahan natin ang mga lugar na hindi nakatanggap ng cash. Maraming salamat sa buong team, alam kong pagod na rin kayo pero di tayo sumusuko,” dagdag ni Sotto.
 
Ang mga ipinamahaging ayuda ay tulong pinansyal sa mga naapektuhan ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila nitong Agosto dahil sa pagsipa ng bilang ng COVID-19 infection. (Pasig City/PIA-NCR) 

Post a Comment

0 Comments