Philippine Information Agency NCR

P3K financial assistance ipinamahagi sa bawat San Juan City Hall employee


ni: LUCIA F. BROÑIO

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) --  Namahagi ng P3,000 financial assistance ang Pamahalaang Lungsod ng San Juan sa bawat kawani ng City Hall nitong Lunes bilang suporta sa gitna ng COVID-19 pandemic.

"Tayo po ay masayang nagkalooob ng P3,000. financial assistance sa bawat isang kawani ng ating San Juan city hall ngayong araw," pahayag ni Mayor Francis Zamora sa kanyang Facebook post.

"Ito po ay bahagi ng ating pasasalamat at pagpapahalaga sa dedikasyon at sakripisyo sa bawat isa sa kanila," dagdag ni Mayor Francis.
Ayon sa alkalde, bagaman hindi kalakihan ang halaga ng ayuda, nawa'y magsilbi itong karagdagang "pantawid" sa krisis na nararanasan bunsod ng umiiral na global public health emergency.

"Ito po ay munting pinansyal na tulong bilang karagdagang pantawid sa krisis ng pandemyang atin pa ring kinakaharap sa kasalakuyan," aniya.
Kasamang personal na namahagi ni Zamora sina Atty. Bel Zamora, ang Congressional District Head ng lungsod, na katuwang ng alkalde sa iba't ibang proyekto para sa San Juan, ganun din si Vice Mayor Warren Villa at iba pang opisyales ng lokal na pamahalaan.
"Patuloy po tayong magtulungan at magkaisa para paglingkuran ang mga minamahal nating Pamilyang San Juaneño," dagdag ni Zamora. (PIA-NCR)

Post a Comment

0 Comments