LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Naghahanda na ang Pamahalaang Bayan ng Pateros para sa pagbabakuna ng mga bata na may edad 12 hanggang 17 years old.
Sa kaniyang Facebook live nitong Lunes ng hapon, ibinahagi ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III na naghahanda na ang Pateros para sa naturang pagbabakuna.
“Maaaring sa mga susunod na araw ay sisimulan na po natin ang pagbabakuna ng edad 12 years old hanggang 17 years old. Ito po ay gagawin natin once na available na po yung Moderna o Pfizer vaccine na pupuwede po nating maibigay sa kanila.”
Ayon kay Mayor Ponce, nagpapagawa na ang pamahalaang bayan ng sariling QR code para sa registration ng 12 hanggang 17 years old na mga bata na taga Pateros. Aniya, ilalagay sa kanilang Facebook Page (https://www.facebook.com/
Paalala ni Ponce na hintayin lamang ang abiso mula sa pamahalaang bayan matapos magparehistro. Gayundin, kailangang ding samahan ng mga magulang ang mga batang magpapabakuna at lumagda sa isang consent form ang mga magulang kung saan pinapayagan nilang magpabakuna ang kanilang mga anak.
Samantala, nag umpisa na rin ang Pamahalaang Bayan ng Pateros sa pagbabakuna ng mga taga ibang lugar sa ilalim ng “We Vax as One” program.
Nanawagan din si Mayor Ponce sapubliko na patuloy na mag-ingat laban sa COVID-19. (IsangPateros/PIA-NCR)

1 Comments
reccisWun-gi Amanda Robinson Download
ReplyDeleterawdinedjars