Philippine Information Agency NCR

Pre-emptive evacuation, ipinatupad ng QC dahil kay 'Jolina'


ni: SUSAN G. DE LEON

LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) -- Ipinatutupad ng Lungsod Quezon ang agarang paglikas ng ilang pamilya dahil sa banta ng mga pagbaha bunsod ng pananalasa ng Bagyong Jolina.

Sa isang Facebook post mula sa Quezon City Government, sinabi nitong pinangasiwaan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council ang preemptive evacuation sa ilang pamilya mula sa mga sumusunod na barangay dahil sa pagtaas ng lebel ng baha na dulot ni #JolinaPH.

Kabilang sa mga lugar na apektado ang:
  • Barangay Apolonio Samson - Apolonio Elementary School
  • Barangay Bagong Silangan - Bagong Silangan Covered Court
  • Barangay Roxas – Gen. Roxas Covered Court
Patuloy naman pinag-iingat ang publiko at pinayuhang makinig ng mga update mula sa lokal na pamahalaan hinggil sa bagyo. (PIA-NCR)

Post a Comment

0 Comments