by: Jimmyley E. Guzman
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Muling nanawagan si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson, Atty. Don Artes sa mga motorista na patuloy na sumunod sa batas trapiko at pairalin ang disiplina kahit walang No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Batay sa datos ng MMDA, simula noong Agosto 2022 hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan, umabot sa 256,977 traffic violations ang naitala ng ahensya.
Ayon sa MMDA, bagaman suspendido ang pagpapatupad ng NCAP, patuloy ang ginagawang monitoring ng mga lumalabag sa batas trapiko gamit ang closed circuit television (CCTV) cameras.
Ilan sa mga paglabag na minomonitor ng ahensiya ay Disregarding Traffic Sign, UVVRP o Number Coding, Loading/Unloading, Obstruction, Dress Code, Attended Illegal Parking, Anti Distracted Driving Act (ADDA), Reckless Driving, at No Crash Helmet.
Noong Agosto 2022, nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema sa pagsuspinde ng implementasyon ng NCAP. (MMDA/PIA-NCR)
https://pia.gov.ph/news/2023/06/21/muling-panawagan-ng-mmda-sa-mga-motorista-pairalinang-disiplina-sumunod-sa-batas-trapiko

0 Comments