Philippine Information Agency NCR

Alamin ang Water Level Monitoring sa Marikina River

 


by: Jimmyley Guzman 

LUNGSOD MARIKINA, (PIA) — Ngayong may muling banta ng ulan at pagbaha bunsod ng bagyong Pepito, mahalaga ang kaalaman patungkol sa Water Level Monitoring ng Marikina River.

Ayon sa Marikina City Rescue 161, maliban sa kahalagahan ng kaalaman sa water level monitoring ay mahalaga ring maging laging handa at kalmado sa oras ng sakuna.

1st Alarm – ALERT / PREPARE TO EVACUATE (1 Minute Continuous Airing) (15 Meters)

– Maging Alerto sa lagay ng panahon at sitwasyon ng inyong lugar.

– Ihanda ang sarili at Pamilya, para sa agarang paglikas.

– Ayusin ang mga gamit na maaring maapektuhan ng pag taas ng tubig.

2nd Alarm – (5 Minutes Continuous Airing)

PREEMPTIVE EVACUATION (16 Meters)

– Inaabisuhan ang mga Marikeño na malalapit sa Ilog na Lumikas at mag Tungo na sa mga Designated Evacuation Area na malapit sa inyong Lugar.

3rd Alarm – (5 Minutes Intermittent Airing)

FORCE EVACUATION (18 Meters)

– Inaabisuhan ang lahat ng malalapit sa Ilog o lugar na mabilis tumaas ang tubig na Lumikas at mag punta sa mga Evacuation Area na malapit sa inyong Lugar

– Sa pilitang paglikas ng mga naka tira malapit sa Ilog Marikina, lalo na ang mga Matatanda, Bata, Buntis, may sakit , pwd at iba pa.

Sa simpleng kaalaman, ay maililigtaas ang bawat isa sa mga Panganib na dulot ng Bagyo.

– Marikeño maging Alerto tayo sa panahon ng Bagyo. huwag maging panatag sa oras ng sakuna. at maki pag tulungan sa Anunsyo ng Gobyerno.



Sa Anumang Emergency itawag lang ito sa MARIKINA RESCUE 161 HOTLINE:

8- 646 2436 to 38

8- 646 0427

7- 273 6563

Mobile Number

0917 – 584 – 2168 ( GLOBE )

0917 – 804 – 6352 ( GLOBE )

0928 – 559 – 3341 ( SMART )

0998 – 997 – 0115 ( SMART )

0998 – 579 – 6435 ( SMART )

Email : drrmo.marikinacity@gmail.com

Facebook Messenger : Reskyu Onesixone

Tumutok din sa Marikina City Rescue 161 Facebook page https://www.facebook.com/MarikinaRescue161 para sa iba pang updates.



Paalala ng pamahalaang lungsod sa mga residente, ligtas ang may alam. (JEG/PIA-NCR)



Post a Comment

0 Comments