LUNGSOD CALOOCAN, Hunyo 14 (PIA) -- Nagpatuloy ngayong araw ang COVID-19 mass vaccination sa Lungsod ng Maynila kung saan ipinamahagi ang Tig-2,000 dosis ng bakuna sa apat na mall sites.
"First dose vaccination para sa A2 at A4 priority groups sa apat na mall sites (Lucky Chinatown Mall, Robinsons Place Manila, SM Manila, at SM San Lazaro), ayon sa lokal na pamahalaan.
"Tig-2,000 doses po ang inilaan sa bawat mall site," dagdag nito.
Sinabi rin ng Maynila na magkakaroon ng second dose vaccination ng Sinovac vaccine para sa A1, A2, at A3 priority groups sa 18 school sites mula District 1 hanggang District 6.
"Ang mababakunahan po ay ang mga una nang nakatanggap ng COVID-19 vaccine noong May 17, 2021," paliwanag nito.
"Para po sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification," paalala ng lokal na pamahalaan.
Payo pa nito, kung may comorbidity o nasa edad na 18-59 taong gulang, ipakita ang alinman sa mga sumusunod:
- Medical certificate (sa loob ng 18 na buwan)
- Mga de-resetang gamot (sa loob ng 6 na buwan)
- Hospital record tulad ng discharge summary o medical abstract
- Surgical o pathology records
- Mga de-resetang gamot (sa loob ng 6 na buwan)
- Hospital record tulad ng discharge summary o medical abstract
- Surgical o pathology records
"Dalhin din po ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site," dagdag pa nito. (PIA NCR)
0 Comments