Philippine Information Agency NCR

Halos 7M na dosis ng bakuna laban sa COVID naiturok na


ni JOEDIE MAE D. BOLIVER

LUNGSOD CALOOCAN, Hunyo 16 (PIA) -- Ang Pilipinas ay nangasiwa ng halos 7 milyong dosis ng mga bakunang kontra-COVID-19, ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) nitong Miyerkules, Hunyo 16.

Sinabi ng IATF na hanggang 6 p.m. noong Hunyo 13, umabit sa 6,948,549 na dosis ang naibigay sa mga kabilang sa priority groups.

Sa mga ito, 5,068,855 ang mga unang dosis, at 1,879,694 ang ika-2 dosis. 

Saklaw nito ang halos 2 milyong tao na nabigyan ng buong proteksyon ng mga bakunang kontra-COVID-19.

Hinihimok ng gobyerno ang mga kabilang sa mga priority group na A1 hanggang A4 "na magparehistro, magpabakuna, at kumpletuhin ang kinakailangang bilang ng mga dosis ayon sa nakaiskedyul."

Hinimok din ang mga nabakunahang indibidwal na magpatuloy sa pagsunod sa minimum public health standards dahil maaari pa silang mahawahan ng COVID-19 at mahawahan ang ibang mga tao. (PIA NCR) 

Post a Comment

0 Comments