Philippine Information Agency NCR

Mahigit 200k nabakunahan na sa Pasig City


ni: JIMMYLEY E. GUZMAN

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Mahigit 200,000 na ang nabigyan ng bakuna kontra COVID-19 sa Lungsod Pasig.

Sa naging Facebook live update ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Lunes, ibinahagi ni Mayor Sotto na mahigit 200,000 na ang nabigyan ng naturang bakuna.

“Good news. Lampas na tayo sa 200,000 jab mark, nasa mga 205,000 na tayo ngayon. Karamihan niyan mga first dose. Second dose natin mga 50 plus thousand na rin.”

Pinaliwanag ni Mayor Sotto na pumapalo ang lungsod sa 6,000 vaccination kada araw.

Paalala ni Sotto na hintayin ang text message para sa appointment sa bakuna para makaiwas sa anumang gulo.

“Huwag tayong mag walk-in kasi marami pa tayong nasa masterlist na hindi pa nababakunahan.”

Gayundin, ipinag utos ng punong lokal na padalhan ng text message ang mga nakapag rehistro na maghintay lamang sa kanilang iskedyul para sa bakuna.

Paalala rin ni Sotto na patuloy na mag-ingat laban sa COVID-19 bagamat bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod. (PIO/PIA-NCR)

Post a Comment

0 Comments