Ikaw ba ay commuter? Kung oo, kayo ay inaanyayahan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Office (LTFRB) na mag bigay ng rating at feedback sa driver na inyong nasasakyan na kasali sa Service Contracting Program!
Mahalaga ang pagbibigay niyo ng rating at feedback dahil ito ay paraan ng ahensya upang malaman ang inyong naging karanasan at kalidad ng serbisyo na naihatid sayo ng iyong driver.
Makakapagbigay ang mga commuter ng 1 to 5 star rating.
Ang mga kategorya na dapat bigyan ng review ng commuter ay:
- Kung maganda ang behavior ng drayber;
- Kung well-maintained at malinis ang vehicle;
- Kung naging maayos ang karanasan ng commuter sa kaniyang biyahe;
- Kung naging ligtas ang biyahe ng commuter;
- Kung gaano katagal naghintay ang commuter para siya ay makasakay.
Bilang kapalit ng inyong rating at feedback sa driver, makakatanggap din siya ng performance-based payout mula sa programa.
Upang makapagbigay ng rating at feedback, maaaring mag download ng Sakay.ph sa Mobile Application sa App store o Google play o puntahan lamang ang link na ito: https://get.sakay.ph/sendfeedback.
Bukod sa makakapagbigay ka na ng feedback kay TsuperMan, ang Sakay.ph Mobile Application ay magagamit din upang makita ng live o real-time ang mga sasakyang nasa ilalim ng Service Contracting Program para sa inyong mas maayos na commuting experience!
Ano pang hinihintay niyo? Tara, sali na at magkaisa para sa mas pinahusay na pasada para sa ating pampublikong transportasyon sa bansa!
Regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon na ilalabas, patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw. Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office - (02) 8529 - 7111 loc 845 o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342. (PIA NCR)
0 Comments