Philippine Information Agency NCR

San Juan Mayor Zamora nanawagan na magpabakuna kontra COVID-19


ni LUCIA F. BROÑIO

LUNGSOD CALOOCAN, Hunyo 13 (PIA) -- Kasabay ng pagdiriwang ng ika-123 Araw ng Kalayaan sa makasaysayang Pinaglabanan Shrine sa lungsod, muling nanawagan si San Juan City Mayor Francis Zamora sa publiko na magpabakuna kontra COVID-19.

Sa ginanap na simpleng programa, sinabi ni Mayor Zamora na mahalagang magbigay pugay sa ating mga makabagong bayani, ang mga medical frontliners gayun din ang mga non-medical frontliners gaya ng mga pulis, bumbero, mga kawani ng pamahalaang nasyunal at lokal.

“Ito po’y hindi lamang araw ng kalayaan mula sa mga Kastila. Ngunit pinaghirapan natin na tuluyan na tayong maging malaya mula sa COVID-19.”

Aniya, sa lungsod ng San Juan ay naibaba na ang bilang ng mga bilang ng akitbong kaso sa 74 as of June 11 at ang nabakunahan ay nasa mahigit 38,000, kung saan umaabot na ito sa 45% ng target population ng lungsod.

“Tayo po ay right on track sa ating laban sa covid,” wika ni Zamora.

Aniya kapag nabakunahan na ang karamihan ng ating mga mamamayan ay baba ang kaso.

Nagpasalamat din ang punong lungsod sa pamahalaang nasyunal, IATF at National Task Force para sa suplay ng bakuna at sa suporta sa lungsod.

Nagpahayag din ng kumpiyansa ang punong lungsod na sa mga darating na buwan ay makakamit na natin ang herd immunity.

“Tandaan po natin ngayon ay Araw ng Kalayaan, ngunit hindi lang dapat kalayaan laban sa mga dayuhan ang ating ipinagdiriwang. Ngunit ipaglaban din natin ang Kalayaan sa COVID-19. Manatili tayong disiplinado. Sumunod sa lahat ng patakaran lalong-lalo na sa minimum health protocols upang tuluyan na nating mapuksa ang COVID-19." 

"At panawagan sa bawat isa, tayo po ay magpabakuna. Ito po ang makapagbibigay ng proteksyon sa atin at sa ating mga pamilya at mahal sa buhay.” (PIA NCR) 

Post a Comment

0 Comments