Philippine Information Agency NCR

Botika ng Bayan dapat palakasin para sa mas murang gamot -DILG

Kuha mula sa Department of Health

ni: JEROME PAUNAN

MAYNILA, (PIA) -- Dapat palakasin ng mga local government units (LGUs) ang mga Botika ng Bayan at Botika ng Barangay programs sa gitna ng mga reports na ilang sari-sari stores ang nagbebenta ng mga medisina at at pekeng gamot na ipinagbabawal sa batas.

Ito ang ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamamagitan ni DILG Secretary Eduardo Año, na ang mga LGUs ay dapat mag-isyu ng mga ordinansa hinggil dito.

Mayroon tayong pag-uutos na i-strengthen ng ating mga LGUs ‘yung mga ibang programa ng pamahalaan katulad ng Botika sa Barangay at saka Botika ng Bayan,” pahayag ni Año sa isang interview ngayong Martes.

Una nang ipinagutos ng kalihim sa Philippine National Police (PNP) na arestuhin ang mga violators na mababatid na sangkot sa hindi awtorisadong pagbebenta ng mga gamot.

Ayon kay Año, mayroong tinatayang 170 Botika ng Bayan outlets ang itinayo ng pamahalaan sa buong bansa.

Matatandaan na ang Botika ng Barangay program ay inilunsad sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001. Ito naman ay ni-revived noong 2018 sa ilalim ng pangalang Botika ng Bayan.

’Yung Botika ng Barangay dating programa simula pa sa panahon ni GMA na kung saan sa mga barangay tinutulungan din ng LGU na ang isang committee or organization or isang NGO puwede magtayo ng drug outlet basta mayroong isa lang nagsu-supervise na pharmacist at tinutulungan natin ‘yan na maaprubahan para ito magsisilbing bilihan na mga gamot na mas mura kesa doon sa tinatawag na drugstore,” paliwanag ni Año.

’Yung Botika ng Bayan eto sinimulan ‘yan sa panahon ni Pangulong Duterte noong 2018, mga 4th and 5th class municipalities ‘yung malalayo libre naman to ‘yung mga gamot na ordinaryong sakit libre ‘yan sa mga 170 Botika ng Bayan mayroon tayo sa buong bansa, kaya maganda na i-strengthen natin ‘yan,” dagdag ng opisyal.

Ayon kay Año, naglaan ang Department of Health (DOH) ng budget sa naturang programa at aniya, nagdagdag pa ang ahensiya ng pondo para rito upang matiyak na magkakaroon ang mga malalayong munisipalidad ng Botika ng Bayan. (PIA-NCR)

Post a Comment

0 Comments