Philippine Information Agency NCR

BSP sa publiko: Mag-ingat sa ‘love scams’

 


by: Jimmyley Guzman 

PASAY CITY, (PIA) — Ngayong buwan ng pag-ibig, paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na mag-ingat sa mga love scams.

Isa sa mga uri ng love scam ay ang love chats na madalas nauuwi sa pangungutang o panghihingi ng pera at account details.

Paalala ng BSP na maging alerto sa iba’t ibang uri ng panloloko. Siguruhing makipag-ugnayan sa official channels ng inyong bangko o e-money issuer kung nakumpromiso ang inyong account o personal na impormasyon.

Narito ang directory ng mga consumer assistance channel ng mga bangko at e-money issuer na supervised ng BSP: https://www.bsp.gov.ph/…/Inclus…/ConsumerAffairsDir.aspx

Maaari ring ipagbigay-alam agad ito sa BSP sa pamamagitan ng BSP Online Buddy o BOB. Makakausap si BOB sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  1. I-click ang BOB icon sa BSP website (www.bsp.gov.ph)
  2. Mag-chat sa Facebook Messenger ng BSP (https://www.m.me/BangkoSentralngPilipinas/)

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BSP Consumer Assistance Mechanism, bisitahin ang: https://bit.ly/BSPCAM

Bisitahin din ang BSP Facebook page https://www.facebook.com/BangkoSentralngPilipinas para sa updates. (JEG/PIA-NCR)

Post a Comment

0 Comments