Philippine Information Agency NCR

Libreng seminar sa Panitikan, handog ng KWF at GSIS

MAYNILA, 9 Abril (PIA)--Magsasagawa ng Pambansang Seminar sa Pagtuturo ng Panitikang Gender Based ang Komisyon sa Wikang Filipino at Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan.

Ang seminar na may layuning mapataas ang kamalayang pangkasarian ng mga guro sa pagtuturo ng panitikang gender based ay gaganapin sa 6-8 Mayo 2015, 8:00 nu-5:00 ng hapon sa GSIS Theater, Financial Center, Lungsod Pasay.

Magkakaroon ng panayam at talakayan hinggil sa iba’t ibang paksang may kaugnayan sa panitikan, wika, at kasarian.  Magsasagawa rin ng pakitang-turo sa kuwentong bayan, tula, at maikling kuwento.

Bukás ito sa mga punong guro, tagapag-ugnay, mga guro sa Filipino at panitikan sa elementarya, sekundarya, at tersiyarya na nasa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nilinaw ng KWF walang babayarang rehistrasyon ang sinumang nais lumahok sa seminar.  Para sa pagpapatala, tumawag sa (02)736-2525 lok. 105, (02)708-6972, o mag-email sa einzoely08@gmail.com, o mag-text sa 0932-6348721. I-email o i-text ang buong pangalan at institusyong kinabibilangan.  Ang dedlayn ng pagpapatala ay sa 22 Abril 2015. (WKF/RJB/SDL/PIA-NCR)

See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/231428492084/libreng-seminar-sa-panitikan-handog-ng-kwf-at-gsis#sthash.pLVxpKfa.dpuf

Post a Comment

0 Comments