LUNGSOD QUEZON, Okt. 28 (PIA) – Ngayong panahon na naman ng semestral break para sa mga mag-aaral at pagdalaw sa ating mga yumao ngayong Undas, muling nagbigay paalala ang mga otoridad para sa mas ligtas at maayos na paglalakbay.
Kaya naman ang Philippine National Police (PNP) ay nagbigay ng ilang mga paalala.
Maging maagap sa pagpunta sa terminal ng bus, barko o paliparan. Inaasahang dadagsa ang mga uuwi sa kani-kanilang mga probinsya kaya mainam nang umalis ng maaga.
Ingatan ang tiket at passport. Iwasan din ang pagsuot ng mga mamahaling alahas na maaaring makatawag pansin sa mga may masasamang loob.
Bantayan nang maigi ang mga gamit at maging alerto laban sa mga mandurukot.
Kung maaari, iwasan ang pagdala ng maraming gamit lalo na kung mag-isa lamang bibiyahe.
Tandaan, maging alerto at ligtas. (PNP/RJB/JEG/PIA-NCR)
See more at: http://news.pia.gov.ph/article/view/241445933233/pnp-nagbigay-paalala-para-sa-sem-break-at-undas#sthash.Moyw3nJC.dpuf
0 Comments