ni: Jimmyley E. Guzman
LUNGSOD PASIG, (PIA) — Ilang araw bago mag Pasko at Bagong Taon, tiyak abala na ang lahat para sa mga ihahanda para sa Noche Buena at Media Noche.
Pero, alam ‘nyo ba mapa-simpleng handa man na spaghetti o panghimagas ay paniguradong may IP ‘yan?
Ayon sa Intellectual Property Office (IPO), ang IP o Intellectual Property ay mga likha ng isip, gaya ng imbensyon, mga akdang pampanitikan at sining, mga disenyo, at mga simbolo, pangalan, at larawang ginagamit sa komersyo.
Ngayong Pasko, paalala ng IPO patuloy na suportahan ang mga IP-protected Filipino products at bigyang karangalan ang mga likhang ito sa likod ng ating mga tradisyong pampasko.
Para sa karagdagang impormasyon at iba pang updates, bisitahin ang IPO website sa https://www.ipophil.gov.ph/ o Facebook page https://www.facebook.com/@IPOPHL. (JEG/PIA-NCR)
0 Comments